Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 107:33-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Nagagawa niyangtuyuin ang ilog na tulad ng ilang,maging mga batisay nagagawa ring parang lupang tigang.

34. Ang lupang mataba,kung kanyang ibigi'y nawawalang saysay,dahilan sa samang mga nilikhang doo'y nananahan.

35. Kahit naman ilang,nagagawa niyang matabang lupain,nagiging batisangsagana sa tubig ang tuyong lupain.

36. Sa lupaing iyon,ang mga nagugutom doon dinadala,ipinagtatayong kanilang lunsod at doon titira.

37. Sila'y nagbubukid,nagtatanim sila ng mga ubasan,umaani sila ng saganang bunga,sa lupang tinamnan.

38. Sila'y pinagpala'tlalong pinarami ang kanilang angkan,at dumarami rinpati mga baka sa kanilang kawan.

39. Kapag pinahiyaang bayan ng Diyos at nalupig sila,ang bansang sumakopna nagpapahirap at nagpaparusa,

40. sila'y susumbatannitong Panginoo't ang kanyang gagawin,ikakalat sila sa hindi kilalang malayong lupain.

41. Ngunit itataasang nangagdurusa't laging inaapi,parang mga kawan,yaong sambahayan nila ay darami.

42. Nakikita itong mga matuwid kaya nagagalak,titikom ang bibigng mga masama at taong pahamak.

43. Kayong matalino,ang bagay na ito'y inyong unawain,pag-ibig ni Yahwehna di kumukupas ay inyong tanggapin.