Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 107:29-42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. Ang bagyong malakas,pinayapa niya't kanyang pinatigil,pati mga alon,na naglalakihan ay tumahimik din.

30. Nang tumahimik na,sila ay natuwa, naghari ang galak,at natamo nilaang kanilang pakay sa ibayong dagat.

31. Kaya't dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

32. Itong Panginoonay dapat itanghal sa gitna ng madla,dapat na purihinsa kalipunan man ng mga matanda.

33. Nagagawa niyangtuyuin ang ilog na tulad ng ilang,maging mga batisay nagagawa ring parang lupang tigang.

34. Ang lupang mataba,kung kanyang ibigi'y nawawalang saysay,dahilan sa samang mga nilikhang doo'y nananahan.

35. Kahit naman ilang,nagagawa niyang matabang lupain,nagiging batisangsagana sa tubig ang tuyong lupain.

36. Sa lupaing iyon,ang mga nagugutom doon dinadala,ipinagtatayong kanilang lunsod at doon titira.

37. Sila'y nagbubukid,nagtatanim sila ng mga ubasan,umaani sila ng saganang bunga,sa lupang tinamnan.

38. Sila'y pinagpala'tlalong pinarami ang kanilang angkan,at dumarami rinpati mga baka sa kanilang kawan.

39. Kapag pinahiyaang bayan ng Diyos at nalupig sila,ang bansang sumakopna nagpapahirap at nagpaparusa,

40. sila'y susumbatannitong Panginoo't ang kanyang gagawin,ikakalat sila sa hindi kilalang malayong lupain.

41. Ngunit itataasang nangagdurusa't laging inaapi,parang mga kawan,yaong sambahayan nila ay darami.

42. Nakikita itong mga matuwid kaya nagagalak,titikom ang bibigng mga masama at taong pahamak.