Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 107:11-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Ang dahilan nito—sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos;mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.

12. Nahirapan sila,pagkat sa gawain sila'y hinagupit;sa natamong hirap,nang sila'y bumagsak ay walang lumapit.

13. Sa gitna ng hirap,kay Yahweh sila ay tumawag;at dininig namanyaong kahilingan na sila'y iligtas.

14. Sa dakong madilim,sila ay hinango sa gitna ng lungkot,at ang tanikalasa kamay at paa ay kanyang nilagot.

15. Kaya dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

16. Winawasak niya,maging mga pinto na yari sa tanso,ang rehas na bakalay nababaluktot kung kanyang mahipo.

17. May nangagkasakit,dahil sa kanilang likong pamumuhay;dahil sa pagsuway,ang dinanas nila'y mga kahirapan.

18. Anumang pagkainna makita nila'y di na magustuhan,anupa't sa anyo,di na magluluwat ang kanilang buhay.