Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 107:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

2. Lahat ng niligtas,tinubos ni Yahweh, bayaang magpuri,mga tinulungan,upang sa problema, sila ay magwagi.

3. Sa sariling bayan,sila ay tinipo't pinagsama-sama,silanga't kanlurantimog at hilaga, ay doon kinuha.

4. Mayro'ng naglumagaksa ilang na dako, at doon nanahan,sapagkat sa lunsoday wala nang lugar silang matirahan.

5. Wala nang makainkaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha,ang katawan nilaay naging lupaypay, labis na nanghina.

6. Nang sila'y magipit,kay Yahweh, sila ay tumawag,at dininig namansa gipit na lagay, sila'y iniligtas.