Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 106:34-45 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

34. Di nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.

35. Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.

36. Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.

37. Pati anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos,sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog.

38. Ang pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malaypara ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan,kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.

39. Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumama.

40. Kaya naman muli, si Yahweh'y nagalit sa mga hinirang,siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.

41. Sa bansang kaaway itong bayan niya'y ipinaubaya,sila ay nasakop at ang mga Hentil ay siyang namahala.

42. Inalipin sila at pinahirapan ng mga kaaway,pinasuko sila't ipinailalim sa kapangyarihan.

43. Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.

44. Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan,dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan.

45. Dinirinig sila at inaalaala kanyang kasunduan,nahahabag siya dahilan sa wagas niyang pagmamahal.