Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 106:17-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Sa ginawang ito, nagalit ang Diyos, bumuka ang lupa,si Datan, Abiram, pati sambahaya'y natabunang bigla.

18. Sa kalagitnaan nila'y itong Diyos, lumikha ng sunog,at ang masasamang kasamahan nila ay kanyang tinupok.

19. Sa may Bundok ng Sinai, doon ay naghugis niyong gintong guya,matapos mahugis ang ginawa nila'y kanilang sinamba.

20. Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.

21. Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas,ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas.

22. Sa lupaing iyon ang ginawa niya'y tunay na himala.Sa Dagat na Pula

23. Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka,agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya,at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila.

24. Ang lupang-pangarap na ipinangako'y kusang tinanggihan,dahilan sa sila'y hindi naniwala sa pangakong tipan.

25. Sa loob ng tolda ay nagrereklamo at puro pa angal,at hindi nila pinakinggan tinig ni Yahweh, Diyos na banal.

26. Sa ginawang iyon, nagalit ang Diyos, siya ay sumumpangsila'y lilipulin, mamamatay sa gitna ng ilang.

27. Sila'y ikakalat, dadalhin sa bansa niyong mga Hentil,sa lugar na iyon, mamamatay sila sa pagkaalipin.

28. Sila'y nakiisang sa Baal ng Beor ay doon sumamba,ang mga pagkain na handog sa patay ang pagkain nila.

29. Sa inasal nila'y nagalit si Yahweh, naging pasya'y ito:Dinalhan ng peste, pawang nagkamatay ang maraming tao.

30. Sa galit ni Finehas taong nagkasala ay kanyang pinatay,kung kaya nahinto ang salot na iyon na nananalakay.

31. Magmula nga noon, at magpakailanman, di malilimutanang ginawang ito'y di na malilimot nitong kanyang bayan.

32. At itong si Yahweh, kanilang ginalit sa Bukal Meriba,nalagay sa gipit itong si Moises dahil sa kanila.

33. Sa ginawa nila ay lubhang nasaktan ang kanyang damdamin,dahas ng salitang nagmula sa bibig ay hindi napigil.

34. Di nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.

35. Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.