Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:6-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

7. Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos,sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.

8. Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman,ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.

9. Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;

10. sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.

11. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12. Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.

13. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat,kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.

14. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin,ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.

15. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang,ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.

16. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinaratingitong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.

17. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki,tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;