Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:42-45 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

42. Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.

43. Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod,nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.

44. Ang mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak,sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap.

45. Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin,yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.Purihin si Yahweh!