Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:3-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

4. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

5. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.

6. Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

7. Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos,sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.

8. Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman,ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.

9. Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;

10. sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.

11. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12. Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.