Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:21-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.

22. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.

23. Sa bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta,sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.

24. Ginawa ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang,pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway.

25. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil,ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin.

26. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos,sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.

27. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila,sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.

28. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain,ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin.

29. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy,pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.

30. Napuno ng mga palakang kay rami ang buong lupain,maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin.

31. Sa utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot,sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok.

32. Sa halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan,ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan.

33. Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos,ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.