Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:2-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan,ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

3. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

4. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

5. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.