Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 105:10-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.

11. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12. Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.

13. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat,kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.

14. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin,ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.

15. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang,ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.

16. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinaratingitong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.

17. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki,tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;

18. mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena,pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya.

19. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh,na siyang nangakong siya'y tutubusin.

20. Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya,pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.

21. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.

22. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.

23. Sa bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta,sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.

24. Ginawa ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang,pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway.

25. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil,ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin.

26. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos,sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.

27. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila,sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.