Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 104:9-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. matapos, ang ginawa mo'y naglagay ka ng hangganan,upang itong kalupaa'y di na muling laganapan.

10. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.

11. Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon,maging hayop na mailap may tubig na naiinom.

12. Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya,mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

13. Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.

14. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka,nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.

15. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya,may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya,at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

16. Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig,mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim.

17. Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga,mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira.

18. Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan,sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.