Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 104:27-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.

28. Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,mayro'n silang kasiyahan pagkat bukás ang iyong palad.

29. Kapag ika'y lumalayo labis silang nangangamba,takot silang mamatay kung lagutin mo ang hininga;mauuwi sa alabok, pagkat doon sila mula.

30. Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

31. Sana ang iyong karangala'y manatili kailanman,sa lahat ng iyong likha ang madama'y kagalakan.

32. Nanginginig ang nilikha, kapag titig mo sa daigdig,ang bundok na hipuin mo'y umuusok, nag-iinit.

33. Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan,siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.

34. Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,pagkat ako'y nagagalak, nagpupuri sa Maykapal.

35. Ang lahat ng masasama sana'y alisin sa daigdig,ang dapat ay lipulin na upang sila ay maalis.Si Yahweh ay purihin mo, aking kaluluwa!Purihin si Yahweh!