Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 104:21-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Umuungal itong leon, samantalang humahanapng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat.

22. Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli,pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli;

23. samantalang itong tao humahayo sa gawain,sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.

24. Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha!Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

25. Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan,malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

26. Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay,samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.

27. Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.

28. Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,mayro'n silang kasiyahan pagkat bukás ang iyong palad.

29. Kapag ika'y lumalayo labis silang nangangamba,takot silang mamatay kung lagutin mo ang hininga;mauuwi sa alabok, pagkat doon sila mula.

30. Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

31. Sana ang iyong karangala'y manatili kailanman,sa lahat ng iyong likha ang madama'y kagalakan.

32. Nanginginig ang nilikha, kapag titig mo sa daigdig,ang bundok na hipuin mo'y umuusok, nag-iinit.

33. Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan,siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.