Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 104:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa!Ikaw Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga!Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka.

2. O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag,kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.

3. Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas,ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap,sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.

4. Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy,at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.