Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 102:5-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Kung ako'y tumaghoy ay ubod nang lakas,yaring katawan ko'y buto na at balat.

6. Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang,para akong kuwago sa dakong mapanglaw;

7. ang aking katulad sa hindi pagtulog,ibon sa bubungang palaging malungkot.

8. Sa buong maghapon, ang kaaway ko, nililibak ako, kinukutyang todo;gamit sa pagsumpa'y itong pangalan ko.

9. Pagkain ko'y abo at hindi tinapay,luha'y hinahalo sa aking inuman.

10. Dahil sa galit mo, aking Panginoon,dinaklot mo ako't iyong itinapon.

11. Ang buhay kong taglay ay parang anino;katulad ko ngayo'y natuyo nang damo.

12. Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan,di ka malilimot ng buong kinapal.

13. Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion,pagkat dumating na ang takdang panahon,sa kalagayan niya ay dapat tumulong.

14. Mahal pa rin siya ng iyong mga lingkodbagama't nawasak at gumuhong lubos.

15. Ang lahat ng bansa kay Yahweh ay takot,maging mga hari sa buong sinukob.