Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 102:18-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Ito'y masusulat upang matunghayan,susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin.

19. Mula sa itaas, sa trono mong banal,ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan.

20. Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,upang palayain sa hirap na taglay.

21. Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag;at sa Jerusalem pupurihing ganap

22. kapag ang mga bansa ay nagsasama-samasa banal na lunsod upang magsisamba.

23. Ako'y pinanghina, sa aking kabataan;pakiramdam ko ay umikli ang buhay.

24. Itong aking hibik, O aking Diyos,huwag mo sanang kunin sa ganitong ayos!Ang buhay mo, Yahweh, walang katapusan;

25. nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.

26. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,at tulad ng damit, lahat ay kukupas;sila'y huhubaring parang kasuotan.

27. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,walang katapusan ang mga taon mo.

28. At ang mga anak ng iyong mga lingkod,mamumuhay namang panatag ang loob;magiging matatag ang kanilang angkan, sa pag-iingat mo, sila'y mananahan.