Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 10:13-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Bakit hinahayaan ng Diyos na hamakin siya ng masasama,na nagsasabing ang parusahan sila'y di raw niya magagawa?

14. Subalit nakikita mo ang hirap at kaapihan,at ikaw ay palaging handang dumamay.Ang mga kapus-palad ay sa iyo lang umaasa,sa tuwina'y sumasaklolo ka sa mga ulila.

15. Mga braso ng masasama'y iyong baliin,parusahan mo sila't kasamaa'y sugpuin.

16. Naghahari si Yahweh magpakailanpaman,mga bansang may ibang Diyos, sa lupa'y mapaparam.

17. Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak,patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad.

18. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila,upang wala nang taong mananakot ng kapwa.