Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 9:53-62 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

53. Ngunit ayaw siyang patuluyin ng mga Samaritano dahil sa siya'y papunta sa Jerusalem.

54. Nang malaman ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, payag po ba kayong paulanan namin sila ng apoy upang sila'y matupok?”

55. Ngunit bumaling si Jesus sa kanila at sila'y pinagsabihan.

56. At nagpunta sila sa ibang nayon.

57. Samantalang sila'y naglalakad, may isang lalaking lumapit at nagsabi kay Jesus, “Sasama po ako sa inyo kahit saan.”

58. Sumagot si Jesus, “May lungga ang asong-gubat, at may pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y walang sariling tahanan.”

59. At sinabi naman niya sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan lang po muna ninyong maipalibing ko ang aking ama.”

60. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Hayaan mong mga patay ang magpalibing sa kanilang mga patay. Ngunit humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.”

61. May isa namang nagsabi sa kanya, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit hayaan ninyong magpaalam muna ako sa aking mga kasambahay.”

62. At ganito naman ang tugon ni Jesus, “Ang sinumang nag-aararo at palingun-lingon ay hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.”