Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 8:51-56 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

51. Pagdating sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina Pedro, Juan at Santiago, at ang mga magulang ng dalagita.

52. Nag-iiyakan ang lahat ng naroroon at kanilang tinatangisan ang patay. Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata; natutulog lamang.”

53. Kinutya nila si Jesus sapagkat alam nilang patay na ang dalagita.

54. Ngunit hinawakan ni Jesus ang kamay nito at sinabi, “Ineng, bumangon ka.”

55. Nagbalik ang hininga ng dalagita at ito'y bumangon. Pagkatapos, pinabigyan agad siya ni Jesus ng pagkain.

56. Gulat na gulat naman ang mga magulang ng bata, ngunit pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang pangyayaring ito.