51. Pagdating sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina Pedro, Juan at Santiago, at ang mga magulang ng dalagita.
52. Nag-iiyakan ang lahat ng naroroon at kanilang tinatangisan ang patay. Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata; natutulog lamang.”
53. Kinutya nila si Jesus sapagkat alam nilang patay na ang dalagita.
54. Ngunit hinawakan ni Jesus ang kamay nito at sinabi, “Ineng, bumangon ka.”