Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 8:42-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

42. sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babae na maglalabindalawang taóng gulang na ay naghihingalo.Habang naglalakad si Jesus papunta sa bahay ni Jairo, sinisiksik siya ng mga tao.

43. Kabilang sa mga ito ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ninuman. Naubos na ang kanyang kabuhayan dahil sa pagpapagamot.

44. Lumapit siya sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Noon di'y tumigil ang kanyang pagdurugo.

45. Nagtanong si Jesus, “Sino ang humawak sa damit ko?”Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Panginoon, napapaligiran po kayo at sinisiksik ng mga tao!”

46. Ngunit sinabi ni Jesus, “May humawak sa damit ko! Naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”