Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 7:47-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

47. Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal.”

48. At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

49. At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong nangangahas na magpatawad ng kasalanan?”

50. Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na.”