Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 7:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang matapos turuan ni Jesus ang mga tao, pumunta siya sa bayan ng Capernaum.

2. Doon ay may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan.

3. Nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang mga pinuno ng mga Judio upang pakiusapan si Jesus na dalawin at pagalingin ang alipin.

4. Paglapit ng mga sugo kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya po'y karapat-dapat na pagbigyan ninyo

5. sapagkat mahal niya ang ating bansa. Sa katunayan nga po, ipinagpatayo niya tayo ng isang sinagoga.”

6. Sumama sa kanila si Jesus, ngunit nang malapit na siya sa bahay ay nasalubong niya ang mga kaibigan ng kapitan. Sila ay sinugo ng kapitan upang ipasabi kay Jesus ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking tahanan,