Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 4:9-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka

10. dahil nasusulat,‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’

11. at‘Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’”

12. Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!’”

13. Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon.

14. Bumalik sa Galilea si Jesus na sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa kanya.

15. Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at hinahangaan naman siya ng lahat.

16. Umuwi si Jesus sa Nazaret, ang bayan na kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa,