Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 24:50-53 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

50. Pagkatapos ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan.

51. Habang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo paakyat sa langit.

52. Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay masayang-masaya silang bumalik sa Jerusalem.

53. Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.