Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 24:49-51 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

49. Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.”

50. Pagkatapos ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan.

51. Habang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo paakyat sa langit.