Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 24:43-53 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

43. Kinuha niya ito at kinain sa harap nila.

44. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”

45. Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.

46. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang maghirap at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.

47. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.

48. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

49. Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.”

50. Pagkatapos ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan.

51. Habang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo paakyat sa langit.

52. Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay masayang-masaya silang bumalik sa Jerusalem.

53. Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.