Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 24:40-47 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

40. Habang sinasabi niya ito, ipinapakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.

41. Parang hindi pa rin sila makapaniwala sa laki ng galak at pagkamangha, kaya't tinanong sila ni Jesus, “May pagkain ba kayo riyan?”

42. Siya'y binigyan nila ng isang hiwa ng isdang inihaw.

43. Kinuha niya ito at kinain sa harap nila.

44. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”

45. Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.

46. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang maghirap at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.

47. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.