Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 24:32-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Nasabi nila sa isa't isa, “Kaya pala nag-uumapaw ang ating pakiramdam habang tayo'y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag ang mga Kasulatan!”

33. Agad silang tumayo at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon doon ang labing-isa at ang ibang kasamahan nila.

34. Sinabi ng mga ito sa dalawa, “Totoo nga palang muling nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Simon!”

35. At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan at kung paano nila nakilala si Jesus nang paghati-hatiin nito ang tinapay.

36. Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa kalagitnaan nila na nagsasabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”