Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 22:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Saan po ninyo nais na maghanda kami?” tanong nila.

10. Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lunsod. May masasalubong kayong lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan.

11. Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung mayroon kayong silid na maaaring magamit niya at ng kanyang mga alagad para sa hapunang pampaskwa.’

12. Ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na may nakahanda nang kagamitan. Doon kayo maghanda.”

13. Pumunta nga sila at natagpuan nila ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus. At inihanda nila ang hapunang pampaskwa.

14. Nang sumapit na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag kasama ang kanyang mga apostol.