Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 22:67-71 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

67. “Sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo.”Sumagot si Jesus, “Sabihin ko man sa inyo ay hindi kayo maniniwala.

68. Kung tanungin ko naman kayo, hindi rin kayo sasagot.

69. Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ang Anak ng Tao ay uupo sa kanang trono ng Makapangyarihang Diyos.”

70. “Nais mo bang sabihing ikaw ang Anak ng Diyos?” tanong ng lahat.“Kayo na rin ang nagsasabi,” tugon niya.

71. “Hindi na natin kailangan ng mga saksi; tayo na mismo ang nakarinig mula sa sarili niyang bibig!” sabi nila.