Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 20:13-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Napag-isip-isip ng may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti pa yata'y ang minamahal kong anak ang papupuntahin ko. Tiyak na siya'y igagalang nila.’

14. Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak ng may-ari ng ubasan, nag-usap-usap sila at ang sabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’

15. Siya'y inilabas nga nila sa ubasan at pinatay.“Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan?” tanong ni Jesus.

16. “Pupunta siya roon at papatayin ang mga katiwalang iyon, at ipagkakatiwala niya sa iba ang ubasan.”Pagkarinig nito, sinabi ng mga tao, “Huwag nawa itong ipahintulot ng Diyos!”

17. Tiningnan sila ni Jesus at tinanong, “Kung gayon, ano ang kahulugan ng talatang ito sa kasulatan,‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahayang siyang naging batong-panulukan’?

18. Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.”