Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 20:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Isang araw, habang si Jesus ay nagtuturo sa loob ng Templo at nagpapahayag ng Magandang Balita, nilapitan siya ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan, kasama ang mga pinuno ng bayan.

2. Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo nga sa amin kung ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng ganyang karapatan?”

3. Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko muna kayo. Sabihin ninyo sa akin kung

4. kanino galing ang karapatan ni Juan na magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?”

5. Kaya't nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi kayo naniwala sa kanya?’

6. Subalit kung sasabihin naman nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao dahil naniniwala silang propeta si Juan.”

7. Kaya't ang sagot na lamang nila'y, “Hindi namin alam!”