Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 2:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Lumapit at tumayo sa kalagitnaan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang nakakasilaw na kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot.

10. Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.

11. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.

12. Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”

13. Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,

14. “Papuri sa Diyos sa kaitaasan,at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”