Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 2:46-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

46. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila,

47. at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan.

48. Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.”

49. Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”

50. Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.