Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 2:38-42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

38. Nang oras na iyon, lumapit din siya kina Jose at Maria, at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

39. Nang maisagawa na nila ang lahat ng ayon sa hinihingi ng kautusan ng Panginoon, umuwi na sila sa bayan ng Nazaret sa Galilea.

40. Ang bata'y lumaking malusog, matalino, at kalugud-lugod sa Diyos.

41. Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem.

42. Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian.