Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 2:3-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala.

4. Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David.

5. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.

6. Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria.

7. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

8. Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon.