Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 18:36-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

36. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari.

37. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya.

38. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!”

39. Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”

40. Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus,

41. “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya.

42. At sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

43. Noon di'y nakakita ang bulag at sumunod kay Jesus na nagpuri sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.