Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 18:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababâ at ang nagpapakumbabá ay itataas.”

15. Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, pinagalitan nila ang mga tao.

16. Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

17. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.”

18. May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

19. Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti!