Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 15:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig.

2. Nagbulung-bulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa mga ito.”

3. Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinhagang ito.

4. “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan?

5. Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin.