Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 11:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan nga po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”

2. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.Nawa'y maghari ka sa amin.

3. Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw.

4. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming hayaang matukso.’”