Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 1:76-80 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

76. Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos;sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,

77. at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan,ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

78. Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos.Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan.

79. Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.”

80. Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na magpakilala siya sa bansang Israel.