Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 1:66-76 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

66. Pinag-isipan ito ng mga nakabalita, anupa't naging tanong nilang lahat, “Magiging ano kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na nasa kanya ang Panginoon.

67. Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos:

68. “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan.

69. Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,mula sa angkan ni David na kanyang lingkod.

70. Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta,

71. na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway,mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.

72. Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno,at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.

73. Ipinangako niya sa ating ninunong si Abraham,

74. na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot,

75. at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay.

76. Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos;sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,