Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 1:54-63 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

54. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,at naalala ito upang kanyang kahabagan.

55. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

56. Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.

57. Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.

58. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak nang mabalitaan nilang siya'y pinagpala ng Panginoon.

59. Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama,

60. ngunit sinabi ni Elisabet, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.”

61. “Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan,” tugon nila.

62. Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol.

63. Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, “Juan ang pangalan niya.” Namangha ang lahat.