Magandang Balita Biblia Revisi

Lucas 1:48-58 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

48. sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;

49. dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.Siya'y banal!

50. Ang kanyang kahabagan ay para sa mga taoat sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.

51. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,nilito niya ang mga may palalong isip.

52. Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

53. Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.

54. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,at naalala ito upang kanyang kahabagan.

55. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

56. Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.

57. Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.

58. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak nang mabalitaan nilang siya'y pinagpala ng Panginoon.