29. Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap.
30. Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
31. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus.