Magandang Balita Biblia Revisi

Juan 1:37-40 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

37. Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus.

38. Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila'y tinanong niya, “Ano ang kailangan ninyo?”Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro.

39. “Halikayo at tingnan ninyo,” sabi ni Jesus.Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas kuwatro na ng hapon.

40. Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.