Magandang Balita Biblia Revisi

Juan 1:34-38 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

34. Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”

35. Kinabukasan, naroon muli si Juan kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad.

36. Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, “Siya ang Kordero ng Diyos!”

37. Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus.

38. Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila'y tinanong niya, “Ano ang kailangan ninyo?”Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro.